PERSONAL NA BUHAY |
Sa lahat na Filipino na nabuhay noong ika-19 na siglo, marahil ang buhay ni Jose Rizal ay ang pinakadokumentado.
Dahil sa kanyang kagalingan sa ibat-ibang wika, madalas niyang pinapalitan ang wika ng kanyang mga likha, at dahil doon, maraming nahirapan pagsulat tungkol sa kanyang buhay. Si Jose Rizal ay isa sa mga kukunting Filipino na nakapaglakbay sa ibat-ibang bansa tulad ng Espanya, Hong Kong, Hapon, Estadus Unidos, at marami pang bansa sa Uropa. Dalawa sa maraming aklat na sinulat ni Jose Rizal ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa kanyang paglalakbay at panunulat, siya ay nakipag-ugnayan sa ibang Filipino, tulad nina Marcelo H. del Pilar, Antonio Luna at marami pa. Dahil sa kanyang mga panunulat laban sa Pamahalaang Kastila sa ating bansa, siya ay nagkaruon ng maraming kaaway. Nang bumalik siya sa Pilipinas, siya ay nasangkot sa rebelyon at tinapon sa Dapitan, Zamboanga (del Norte) noong Hulyo 1892. Kahit siya ay tinapon sa Dapitan, nananatili ang kanyang pakipag-ugnayan sa mga Filipinong rebelde tulad nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini. Siya ay hinatulan sa parusang kamatayan, at noong ika-30 ng Disyembre 1896, siya ay binaril sa Bagumbayan - na ngayon na ay Luneta. |